RESERVISTS NG PN UMAKSYON SA HAGUPIT NI KRISTINE

CAMARINES SUR – PUSPUSAN ang isinasagawang pagresponde ng mga Laang-Kawal ng NAVFORSOL sa mga apektadong lugar sa lalawigang ito na isa sa mga hardest hit ng Tropical Cyclone Kristine at maging sa Masbate at Catanduanes.

Ayon sa Philippine Navy ang kanilang reservists na mula sa 312nd Naval Squadron Reserve (NSR) ay tumulong sa MDRRMO ng Baao, Camarines Sur para magsagawa ng pre-emptive evacuation at pagsagip sa mga apektadong pamilya na nasa mababang bahagi o mga flood-prone areas ng munisipalidad ng Baao.

Samantala, ang 313rd NSR naman ay tumulong sa MDRRMO San Jacinto, Masbate upang magsagawa ng repacking ng mga damit para sa apektadong pamilya ng Brgy. Kinamaligan, Masbate City.

Dagdag pa rito, ang ibang reservists ay rumes­ponde sa landslide sa Brgy. Marinawa, Bato, Catanduanes.

Ganyanin ang PN Reservists na bahagi ng 311st NSR-Albay na tumulong sa LGU ng Ligao, Albay upang mag-repack at mama­hagi ng mga relief goods sa mga naapektuhang mamamayan ng nasabing bayan.

VERLIN RUIZ