RESETA KAKAILANGANIN SA PAGBILI NG CHINESE MEDICINE VS COVID-19 

FDA Director General Eric Domingo,

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na kailangan ng reseta bago makabili ng Chinese traditional medicine na Lianhua Qingwen, na kanilang inaprubahang panlaban sa COVD-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang naturang herbal medicine mula China ay dumaan ng 50 taon bago maaprubahan sa bansa.

Aniya, “well regulated” naman ito sa ibang bahagi ng Asya kabilang na sa Singapore at Thailand.

Ang Lianhua Qingwen traditional herbal drug ng China ay ginagamit panggamot laban sa labis na temperatura ng katawan, paninikip ng baga, sakit sa katawan, ubo, baradong ilong at lagnat.

Ayon sa Chinese Embassy, malaki ang naitutulong nito para paiksiin ang recovery time ng nasa 200 pasyente na mayroong milnd symptoms ng COVID-19.

Samantala, ipinapaalala rin ni Domingo na hindi ito maaaring gamitin ng mga pasyenteng buntis at may mataas na presyon ng dugo. DWIZ882

Comments are closed.