RESIDENT ID SYSTEM PARA SA CONTACT TRACING

Eugene Reyes

GUIMARAS—ISINUSULONG na ngayon sa bayan ng Buenavista sa lalawigang ito ang pagkakaroon ng ‘resident ID system’.

Ito ang itinutulak ni Buenavista Mayor Eugene Reyes, upang mapadali ang pagtukoy sa mga residente na pumapasok at lumalabas sa kanilang lugar.

Aniya, makatutulong ito sa isinasagawang contact tracing ng pamahalaan upang malabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dagdag pa ng alkalde, sa naturang I.D. card, nakalagay ang mga pangunahing impormasyon ng isang residente at mayroon din itong bar code na kailangang lang i-scan sa tuwing aalis o papasok ito sa lalawigan.

Sinabi ni Buenavista, ito ang pinakamabisang paraan upang mapabilis ang contact tracing sa lalawigan sakaling makapagtala na ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Sa kasalukuyan, nananatiling COVID free ang lalawigan ng Guimaras. DWIZ 882

Comments are closed.