RESIDENTE SA NORTE SUMIGLA SA PAG-ULAN

TAG-ULAN

ILOCOS NORTE – BAHAGYANG sumaya ang mga residente ng Laoag City nang biglang umulan kahapon.

Magugunitang mula huling linggo ng Pebrero ay hindi na umulan sa nasabing lugar dahilan para maitala ang malawakang tag-tuyot.

“We are so much thankful for the amount of rain it poured today. It is refreshing,”  ayon ng isang residente sa lungsod.

Batay sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang buong bansa ay magiging mainit at maalikabok  habang may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon lalo na sa Northern at Central Luzon.

Noong isang linggo ay naitala ang isolated rains sa ibang bahagi ng Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte subalit mara­ming pag-ulan sa mga natutuyong ilog at taniman.

Sinabi naman ni Rogelio Ceredon, pangulo ng farmer’s association,  na ang epekto ng El Niño  ay nakaapekto nang malaki sa kanilang kita.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.