(Residente sa paligid pinalikas) KANLAON PUMUTOK, ALERT LEVEL 3 ITINAAS

AGAD na ipinag-utos ang evacuation sa lahat ng residenteng naninirahan sa loob ng 6 kilometer danger zone matapos ang naitalang pagputok kahapon ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Itinaas din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 3 ang bulkan kasunod ng naganap na pagputok nito bandang alas 3:00 ng hapon nitong Lunes.

“The  3 p.m. eruption “produced a voluminous plume that rapidly rose to 3,000 meters,” anang Phivolcs. Kung saan naitalan ang Pyroclastic density currents (PDCs) or hot, ground-hugging flows ng bao at volcanic  debris na dumausdos sa timog Sila­ngan dalisdis ng bulkan.

Ayon sa ahensiya possible ang pagkakaroon pa ng mga explosive eruptions kaya pinalilikas na ang mga residente malapit sa paanan ng bulkan particular ang mga barangay ng Pula, Masulog, Malaiba at Lumapao.

Kaugnay nito ay nag prepositioned na ang Department of Social Welfare and Development ng family food packs sa mga piling lugar.

“More than 5,000 [food packs were] in Vallehermoso. We have prepositioned 10,000 in Guihulngan and another in Canlaon city,” ani DSWD-Central Visayas Director Shalaine Lucero.

Non-food items such as family kits, hygiene kits, modular tents, kitchen kits and sleeping kits were also on standby, ayon pa sa DSWD.

VERLIN RUIZ/EVELYN GARCIA