RESIDENTENG BINAHA PINAG-IINGAT SA LEPTOS

leptospirosis

PINAALALAHANAN kahapon ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang mga residente sa lungsod na ugaliing maging mai­ngat at lumayo sa mga bahaing lugar upang maka­iwas sa nakamamatay na sakit na leptospirosis.

Ito ang naging panawagan ni Calixto-Rubiano sa mga residenteng apektado ng Bagyong Rolly at Bagyong Ulysses na nagdulot ng matinding baha sa buong lungsod at iba pang bahagi ng Metro Manila.

Ani Calixto-Rubiano, kung sakaling makaramdam ng mga sintomas tulad ng lagnat, panginginig, matinding sakit ng ulo, pamumula ng mga mata at paninilaw ng balat ay agad na magtungo sa pinakamalapit na health center sa kanilang lugar dahil baka nadapuan na ito ng sakit na leptospirosis.

Kaya’t payo ng alkalde ang mga residente na panatilihing laging malinis ang kapaligiran maging sa loob at labas ng bahay at huwag maligo sa tubig baha o maruming tubig at gumamit ng gloves at bota sa paglusong sa baha kung kinakailangan.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na bagaman nananatiling banta ang COVID-19, ayaw nitong maapektuhan pa ang mga residente ng panibagong karamdaman na idudulot ng baha.

Ang sakit na leptos­pirosis ay nakukuha sa pamamagitan ng ihi ng daga kung saan ang bacteria nito na tinatawag na leptospira ay papasok sa mata, ilong, bibig, balat ng tao o sa sariwang sugat ng isang indibidwal na lumulusong sa baha. MARIVIC FERNANDEZ

5 thoughts on “RESIDENTENG BINAHA PINAG-IINGAT SA LEPTOS”

  1. 227548 719091this is quite fascinating. thanks for that. we want much more web sites like this. i commend you on your excellent content and superb subject choices. 775266

  2. 189884 543890I believe 1 of your commercials caused my internet browser to resize, you could properly want to put that on your blacklist. 183448

  3. Hi! 🙂 Is it Okay if I ask something kinda off subject? I’m trying to view this web page on my new iPad nevertheless it will not exhibit up correctly, do you’ve any alternatives? Must I try and locate an update for my software program or anything? Thanks upfront! Jennine x 🙂

  4. I was researching on the web for some info since yesterday night and I ultimately found what i was looking for! This is a great blog by the way, but it looks a little hard to see from my att phone.

Leave a Reply

Your email address will not be published.