PASAY CITY – ISANG residential area ang nasunog noong Biyernes ng tanghali.
Ayon kay Fire Officer 1 Reiner Bolorota ng Pasay City Fire Bureau, nagsimula ang apoy sa bahagi ng Mulawin St. sa Brgy. 187 Maricaban, Pasay City alas-12:40 ng tanghali.
Agad itong itinaas sa 2nd alarm makalipas lamang ang ilang minuto.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Ayon sa Pasay BFP, ala-1:39 naman ng hapon nang maideklarang kontrolado na ang apoy.
Wala namang nasaktan sa nasabing insidente. AIMEE ANOC
Comments are closed.