MAYNILA – SAMPUNG bahay ang nasunog noong hatinggabi ng Biyernes sa Barangay 649, Baseco Compound.
Sa record ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-11:20 ng gabi at naapula rin pasado hating gabi.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog.
Nasa 10 bahay ang nasunog dahilan para mawalan ng tirahan ang nasa 20 pamilya.
Inihayag ni SK Chairman Cj Barredo Buenconsejo ang kalungkutan sa pangyayari.
Ito ay dahil halos isang buwan pa lamang nang magkasunog muli sa lugar.
Noong Agosto 25 ay sumiklab din ang isang sunog sa Baseco Compound.
Patuloy pang inaalam ang dahilan ng sunog.
Tinatayang nasa P70,000 ang pinsala sa ari-arian ng insidente. AIMEE ANOC
Comments are closed.