Matapos aprobahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, handa na ang Department of Education (DepEd) na magpatupad ng proyektong Infrastructure for Safer and Resilient Schools (ISRS) Project upang makasigurong magiging matatag ang mga iskwelahan at handa sa recovery ng mga iskwelahang apektado ng kalamidad at disaster, at upang mabawasan na rin ang pagkabalam ng delivery of education services sa mga mag-aaral.
Bilang kritikal na bahagi ng MATATAG Agenda ni Vice President Sara Z. Duterte noong kalihim pa siya ng edukasyon, itituloy ni bagong DepEd Secretary Edgardo “Sonny” Angara ang ISRS Project katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), na popondohan naman ng official development assistance loan Mula sa World Bank.
Sa total project cost na Php 30.56 billion, inaasahang makamit ng ISRS project ang layong ma-recover ang nga school infrastructures na naapektuhan ng mga disasters at kalamidad Mula 2019 Hanggang 2023. Makikinabang dito ang 4,756 school buildings, 13,101 classrooms, at halos 741,038 mag-aaral sa 1,282 target school beneficiaries.
Ang proyekto ay may apat na components, Kasama ang mga sumusundo: 1) Relatively Simple Works for School Infrastructure Recovery; 2) Relatively Complex Works for School Infrastructure Recovery to be implemented; 3) Project Management, Monitoring and Evaluation; at 4) Contingent Emergency Response Component.
Dagdag pa rito, kasama rin ang pagpapaganda at pagpapalakas ng procedures and tools, gayundin ang training sa DepEd units upang masiguro ang sustainability ng project outcomes.
Ia-adopt ng ISRS project ang mga kaugnay na Environmental and Social Standards (ESSs) sa ilalim ng Environmental and Social Framework (ESF) ng World Bank, na nakadesenyo upang maiwasan, mapaliit, mabawasan o malabanan ang matinding epekto nh environmental and social risks.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE