IPAGPAPATULOY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin pa ang pagtulong ng gobyerno sa mga dating overseas Filipino workers upang silá ay magkaroon ng kabuhayan o pagkakakitaan sa Pilipinas.
Sa harap ng Filipino community sa Brunei, sinabi ni Marcos na may mga programa ang gobyerno para magkaroon ng trabaho sa bansa ang mga umuwing mga OFW.
Nag-aalok ang gobyerno ng retraining at reskilling sa mga dating OFW, bukod pa sa mga insentibo at mga trabaho.
Binanggít nito ang programa ng gobyerno na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) para sa mga nawalan ng trabaho, gayundín ang mga programa at alok na mga kurso ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
May malakíng pondo para sa pagsisimula ng mga dating OFW ng sarili nilang negosyo.