ISINUMITE ng Presidential Anti-Corruption Commission noong Disyembre 13, 2019 sa Office of the Ombudsman para sa kaukulang aksiyon ang resolusyon at mga dokumento ng Local Inter-Agency Committee (LIAC) kaugnay sa pagpapatupad ng multi-million housing projects ng National Housing Authority (NHA) sa Zamboanga City.
Ayon kay PACC Spokesman Commissioner Manuelito Luna, ito ay sa ilalim ng Zamboanga City Roadmap to Recovery and Reconstruction (Z3R).
Matatandaan na nagsagawa ang PACC ng isang fact-finding inquiry sa problematic project na ito sa panahon ng administrasyon ni dating pangulong Benigno S. Aquino III batay sa kahilingan ng LIAC na pinamumunuan ni Zam-boanga City Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar.
Comments are closed.