KAHIT nalalapit na ang Kapaskuhan at sa layuning mabigyan ng aral ang mga negosyanteng lumalabag sa probisyon ng National Internal Revenue Tax Code (NIRTC) sa hindi pagbabayad ng tamang buwis, isang popular resort sa Cebu City at 10 iba pang establisimiyento sa Metro Manila ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ipinasara ni Cebu City BIR Regional Director Eduardo Pagulayan, Jr. ang Bohol Hennan Resort, Inc. na nasa Tawala, Panglao, Bohol.
Sa Quezon City at San Juan City, umabot sa mahigit 10 establisimiyento ang ipinakandado ni QC BIR Regional Director Dra. Marina De Guzman, hindi lang dahil sa non-issuance of receipts, kundi dahil na rin sa maraming paglabag sa probisyon ng revenue tax code.
Nabisto ng BIR Cebu City na ang Hennan Resort, Inc. ay hindi nag-iisyu ng resibo, sa halip ay gumagamit lamang ng ‘printed billing statements’ o ‘stamped pad’ bilang resibo sa kanilang mga customers na isang lantarang paglabag sa Section 15 ng revenue tax code at Revenue Memorandum Order No. 03-2009 dahil sa pagkabigong irehistro ang business firm, non-issuance of VAT and sales receipts/sales invoices, non-payment of returns at non-payment of value added tax.
Sa QC, sinabi ni BIR Director De Guzman na ang mga ipinasarang business establishments ay pinamamahalaan ng isang Clarice Norma R. Maog, ng No. 22, 2nd Laguna St., NIA Village, Tandang Sora, Quezon City. Ang mga ito ay ang Stalls 11, 12 and 13 na nasa Dapitan Arcade, Kalaon Cor. Dapitan St., Barangay Lourdez, QC; SG 04-05 at SG 06 na pawang nasa Suki Market, N. Roxas, Kalaon St., Barangay Teresita, QC.
Ayon kay De Guzman, patuloy nilang mino-monitor ang galaw ng mga business establishment, hindi lamang sa QC, kundi maging sa Pasig City, Mandaluyong City, San Juan City, Marikina City, Cainta Rizal at sa iba pang lugar na kanyang nasasakupan sa pagsisikap nilang makakolekta ng karagdagang buwis at maparusahan ang mga violator.
May ganito ring hakbang na isinagawa sa kanilang nasasakupan sina Makati City BIR Regional Director Glen Geraldino, Manila BIR Regional Director Romulo ‘Jun’ Aguila at Caloocan City BIR Regional Director Manuel Mapoy kaagapay ang kanilang BIR Revenue District Officers.
Bukod sa pagpapasara sa mga business firm sa ilalim ng kampanya ng BIR na ‘Oplan Kandado’, marami ring mangangalakal ang kinasuhan nila sa iba’t ibang korte dahil din sa mga paglabag sa tax code.
Ilan dito ay ang mga nagngangalang Marivic Redondo Carlos, Philip Cariaga Santiago, Rene Depante Santos, Alfred Joseph Araneta, Antonio Jaimes Araneta, Richard Gan, Robertson Chiang, Leeca Austria, Xelynne De Lara, Katsuo Sangu, Juanichiro Arai, Jennifer Timblaco, Francisco Martin Miranda, Frances Michaela Fanlo, Maria Teresa Cancio-Suplico, Randy Bareng, Jommel Ortiaga, Katy Pulido, Jocelyn Magcale at Christopher Manaluz.
Nahaharap din sa tax evasion sina Redentor Quintos, presidente ng Destiny Fibertech Manufacturing Corporation; Raul Umali, president-chairman ng Double Scoop Marketing, Incorporated dahil sa paglabag sa Section 255, 253 at 256 matapos umanong mabigong bayaran ang pagkakautang na P274.23 million sa income tax at P190.10 million sa value added tax; Mariequel Rotallas, proprietress ng Wytex Welding Trade and Consultancy dahil sa pagkabigo umanong bayaran ang tax debt na P13.48 million; Nicolson Co Santos at Josephine Chen – president at treasurer, ayon sa pagkakasunod, ng Hadrian International Corporation na hinahabol ng BIR sa ‘di pagbabayad ng P3.29 million.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.