RESORT NI PATRICIA JAVIER SA ANTIPOLO DINUDUMOG NG MGA BAKASYONISTA

Patricia Javier

MATAGAL na ring nag-o-ope­rate ang sari­ling resort ni Patricia Javier na “Villa Patricia Javier” sa entra eksenaAntipolo City na kanyang naipundar noong dalaga pa siya at in-demand sa kanyang showbiz career. Proud na ibinahagi ni Patricia Ja­vier ang kanyang bonggang resort sa Antipolo City na may Olympic size  swimming pool at bonggang amenities. Matagal ng pinapangarap ni Patricia ang magkaroon ng resort, at sabi pa nga niya, “childhood dream” niya ito.

Ngayon, isang proud owner na ang Mrs. Universe Philippines 2019.

Samantala, maliban sa pinatatakbong resort ay tumutulong din si Patricia sa promotion ng kanilang Chiropractic clinic ng foreigner husband na si Dr. Rob Walcher at in fairness marami na silang suking pasyente. May dalawang anak sina Patricia at Rob.

ATTY. PASOK SA LISTAHAN NG TOP LAWYERS

OF THE PHILIPPINES

FERDINAND TOPACIOCONSISTENT na nasa Top 5 ang lawyer for all seasons na si Atty. Ferdinand Topacio at nananatili ang friendship nito sa malalaking pangalan sa mundo ng politics tulad ni former President and Manila Mayor Erap Estrada at former President and Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo at dating First Gentleman na si Mike Arroyo etc. Pagdating naman sa kanyang sariling law firm ay intact ang mga kliyente ni Atty. Topacio mula sa business world, politics and showbiz. Kaya lang napansin namin ay medyo lie low ang balita sa kaibigan naming abogado sa showbiz at mukhang wala ng celebrity na nadidikit sa kanyang pangalan.

Dati kasi, may mga na-link sa kanya gaya nina Claudine Barretto, Bea Binene, Denise Cornejo, etc. Nabibigyan ng ma­lisya ang pagiging malapit  ni Attorney sa mga ito kasi nga very supportive siya sa respective careers ng mga nabanggit.

By the way, patuloy pa rin sa pamamayagpag ang daily morning radio program ni Atty. Ferdie na “Yes Yes Topacio” sa DWIZ kasama si Doc Che Lejano at marami silang nakukuhang views sa kanilang Facebook Live worldwide mula sa kanilang fans and supporters.

MGA ACTOR BEAUTY QUEEN SA “BEBOT 2019” SA EAT BULAGA

TULOY-TULOY pa rin ang throwback segment sa Eat Bulaga tulad ng Bebot 2019 o Binibini ng Eat Bulaga sa Television. Taong 2005 ng simulan ito at ang unang itinanghal na Bebot sa taong ito ay walang iba kundi si Preciousa Paola Nicole Ballesteros (Paolo Ballesteros).

Ngayon ay mas level na ang Bebot na daily at may dalawang kalahok na magco-compete at majority nang kasali ay Kapuso actors tulad noong Lunes na sina Kristoffer Martin bilang si Engrandeng-Engrande at Liza Mauban naman na si Paul Salas.

Talagang beauty queen ang dating ng mga actor na sumasalang dito like Edgard Allan na Angeline Quinto look-alike ang dating sa TV screen. Maliban sa kanilang walk, ay may question and a­nswer mula sa Dabarkads judges na nasasagot naman ng maayos o swabe ng mga contestant.

Sina Paolo at Pia Guanio ang host ng said segment.

Comments are closed.