IPINAG-UTOS ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapasara sa isa sa mga unang resort sa tourist island Boracay dahil sa paglabag sa easement laws.
Ayon sa DENR, ang Boracay Plaza Beach Resort na matatagpuan sa Station 1 ay lumagpas sa road easement limits na itinatakda ng batas.
Ito ay isa sa pinakamatandang resorts sa isla, kung saan binuksan ito bago ang pagdagsa ng mga turista sa pagitan ng dekada 70 at 90.
Ang Boracay Plaza Beach Resort ay sinuspinde rin dahil sa pag-ooperate nang walang kaukulang permits at clearances.
Ito ang unang closure ng isang resort sa isla magmula nang muli itong buksan makaraang sumailalim sa 6-buwang rehabilitasy-on noong October 2018.
Ang nasabing resort ay inisyuhan na ng demolition order noong nakaraang April 2018, noong mga panahong isinara ang isla para sa rehabilitasyon, matapos na mapatunayan na ang front at back sides nito ay lumagpas sa itinatakdang “coastal at road ease-ments.”
“Under the law, the required coastal easements on the island is at 30 meters while the road easement is at 6 meters from the cen-ter of the road,” paliwanag ng DENR.
“The beach resort continued to operate in defiance of the law” as other establishments adjacent to the resort were said to have demolished structures which violated the easement rule,” dagdag pa ng ahensiya.
Ang Boracay ay isinara sa loob ng anim na buwan mula April hanggang October 2018 para bigyang-daan ang rehabilitasyon ng isla.
Naglunsad din ang pamahalaan ng crackdown sa mga establisimiyento na lumalabag sa environment at city laws.
Comments are closed.