RESORT SA GITNA NG CHOCOLATE HILLS IPINASARA NG DENR

IPINAG-UTOS na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)  ang pagpapatupad ng temporary closure order sa isang resort sa Chocolate Hills sa Bohol.

Ito’y sa gitna ng mga viral post sa social media ng isang swimming pool na itinayo mismo sa paanan ng idineklarang National Geological Monument.

Kaugnay nito, naglabas na rin ng direktiba si DENR Region 7 Executive Director Paquito Melicor sa Bohol Provincial Environment and Natural Resources Office na bumuo na isang team upang tiyakin ang pagsunod ng Captain’s Peak Resort sa temporary closure order.

Nabatid na idineklarang protected area ang Cholocate Hills simula pa noong July 1, 1997 sa pamamagitan ng Proclamation 1037 na inilabas ni dating Pangulong Fidel Ramos.

DWIZ 882