PINAALALAHANAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Dionardo Carlos ang lahat ng pulis na maging responsable sa paggamit ng kanilang mga Service firearms.
Ito’y matapos na barilin at mapatay ng isang pulis sa Virac, Catanduanes ang kanyang asawa at tatlong taong gulang na anak, bago nagpakamatay sa pagbaril ng kanyang sarili nitong Sabado.
Kinilala ni Carlos ang naturang pulis na si Patrolman Jaymar Malasa, 25 taong gulang na miymebro ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa Catanduanes.
Batay sa ulat ng Catanduanes Provincial Police, umuwi sa bahay si Pat. Malasa galing sa inuman at nagkaroon ng mainit na pakikipagtalo sa kanyang asawa na nauwi sa pamamaril.
Tinamaan ng bala sa katawan ang asawa na tumagos at tuma din sa bata na nagresulta sa kanilang pagkamatay.
Sinabi ni Gen. Carlos na ikinalulungkot niya ang pagkawala ng buhay sa insidente, kaya dapat itong magsilbing leksyon sa lahat ng pulis na palaging obserbahan ang kanilang “Gun safety training”.
Palala ng PNP Chief, ang baril ng mga pulis ay ginagamit lang sa pagtupad ng tungkulin at hindi para ilagay ang batas sa kanilang mga kamay.EC