RESPONSIBILIDAD NG BAWAT NEGOSYO AT ORGANISASYON

MATAGAL na nating naririnig ang salitang “sustainable”, pero para sa maraming mga negosyo at organisasyon, ang ESG (environmental, social and governance) framework ay medyo bago-bago pa.

Ang dalawa ay magkaugnay sapagkat ang mga aksyon o pagkilos sa ilalim ng ESG ay kalimitang nauuwi rin naman sa sustainability. Ang mga pamantayan sa ilalim ng ESG ay gabay para sa mga namamahala ng isang kumpanya—kabilang na ang kanilang mga stakeholders—upang makagawa ng mga karapat-dapat na desisyon at polisiya.

Ang epekto ng mga desisyon at polisiyang ito sa mundo at kalikasan ay siyang nagpapakita kung sustainable nga ba o hindi ang mga hakbang na ito.

Mahalaga ang sustainability at pamantayang ESG para sa mga organisasyon at negosyo dahil sa sitwasyon ngayon ng ating kalikasan at mga isyu na hinaharap ng buong mundo. Siguradong mas madalas pa nating madidinig ang mga salitang ito sa mga susunod na taon.

Dahil dito, napaka-importanteng makasabay ang mga organisasyon dito at makasunod sa mga pamantayan sa lalong madaling panahon upang makatulong sa pangkalahatang pagkilos at patuloy na makikompetensiya sa merkado.
(Itutuloy…)
***
Inaanyayahan ang lahat na manoond ng mga pelikulang bahagi ng Spanish Film Festival na magbubukas sa ika-5 ng Oktubre sa ganap na 7:30 ng gabi sa Shangri-La Plaza Red Carpet Cinema sa Mandaluyong. Magkakaroon din ng mga screening sa Instituto Cervantes de Manila sa Intramuros mula ika-10 hanggang ika-12 ng Oktubre at sa ika-13 ng Oktubre sa UP Film Center sa Diliman. Ang iba pang mga screening ay gaganapin sa Shangri-La. Para sa kumpletong listahan ng mga pelikula at oras ng screening, bisitahin lamang ang Facebook page ng Instituto Cervantes de Manila. Ang publiko ay iniimbitahang manood ng libreng screening ng mahuhusay na Spanish films na ito na mayroong English subtitles para sa mga manonood na hindi nakauunawa ng salitang Espanyol.