NAGPAPASALAMAT ang Department of Tourism (DOT) sa lahat ng mga traveller sa buong mundo na patuloy na bumibisita at dumarayo sa Pilipinas.
Ito ay matapos kilalanin ng prestihiyosong Condé Nast Traveler’s 2024 Readers’ Choice Awards ang Pilipinas dahil apat sa sampung isla ng bansa ang pasok sa top 10 islands in Asia.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang pagkakapasok ng apat na isla ng bansa sa top 10 islands in asia ay nagpapatibay lamang ng sa postion ng pilipinas bilang nangungunang premier island destination.
Kasabay nito ay nanawagan din si Frasco na ugaliin ang responsible tourism para mapangalagaan ang ganda ng mga isla at tourist spots sa bansa partikular ang Boracay sa Aklan, Palawan, Cebuat sa Visayan Islands, at Siargao.
CRISPIN RIZAL