SUGATAN ang anim na sibilyan matapos ang naganap na pagsabog sa isang restaurant sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.
Ayon kay 6th Infantry Division Spokesperson Major Arvin Encinas, alas-3:00 ng hapon nang mangyari ang pagsabog sa Car-litos Restaurant sa Brgy. Kalawag 2.
Agad na isinugod sa ospital ang mga sugatang sibilyan habang kinordon naman agad ng mga rumespondeng sundalo ang pinangyarihan ng pagsabog.
Sa ngayon nagsasagawa na ng lock down sa lahat ng military checkpoint sa Sultan Kudarat para matukoy ang responsable sa pagpapasabog. REA SARMIENTO
Comments are closed.