RESTO BAR NI JEAN GARCIA BINABALIK-BALIKAN NG CUSTOMERS

TAONG 2015 nang ipatayo ng Kapuso actress-TV host na si Jean Garcia ang entra eksenakanyang Jean’s Manila Resto and Bar. Dahil mahilig naman talaga siyang mag­luto ay naisipan niyang gawin itong business. Sa ngayon ay nakapag-establish na ng customers ang nasabing resto ni Jean na matatagpuan sa No. 16 Roces Avenue, Quezon City.

Mapapa-wow ka naman talaga sa sine-serve nilang Pinoy delicacies tulad ng  “best bopis,” adobo, crispy pata, at iba pang comfort food for Pinoys.

Kapampangan si Jean, at kilala sila pagdating sa pagluluto ng masasarap na putahe. Kahit busy sa kanyang teleserye at iba pang showbiz commitments ang veteran actress ay sinisi­guro nitong masilip ang kanyang resto para alam niya ang flow nito.

BAGUHANG HUNK ACTION STAR JAVI BENITEZ ITINODO ANG HUSAY SA ‘KID ALPHA ONE’

PARA mapahanga ng baguhang hunk action star na si Javi Benitez ang beteranong JAVI BENITEZco-actors na sina Christopher de Leon, Tonton Gutierrez at Juan Rodrigo sa launching ng action movie na “Kid Alpha One,” itinodo sa unang sabak sa hardcore action-packed na ito si Javi na sa dalawang beses naming nakita sa pagbisita sa set ng pelikula sa Epic Parc Rainforest, Tanay Rizal. Naabutan naming may galos sa rami ng routines na ginawa sa kanilang shooting.

Pero ba­kit sa taglay na kaguwapuhan at ganda ng katawan ay ang action ang napili ni Javi sa unang sabak sa showbiz?

Ayon sa actor, gusto niyang maibalik ang genre ng action films at pareho sila ng goal ng idol niyang si Coco Martin. “Kasi nawawala na sa trend ang mga action films. I want to bring it back and ibang atake na ang action films natin ngayon. Nakaka-proud ang movie because kasama ko rito ang magagaling nating artista sa industry, hopefully, ‘yung international market, makuha na rin natin through this film.”

Ang tinutukoy ni Javi ay ang mga de kalibre at award-winning actors na sina Christopher de Leon, Juan Rodrigo, at Tonton Gutierrez. Say pa ni Javi na kahit busy sa kanyang pelikula na ngayo’y ay nasa last three shooting days na lang sila ay tuloy-tuloy pa rin daw ang workout niya. Maliban kasi sa pagiging actor ay modelo rin ito.

“I see to it na after work or kapag I have free time, nagwo-workout talaga ako. Sayang naman kapag hininto ko. Kailangan physically fit ka and ready ka always sa mga action scenes.”

Samantala, ganadong idirek ni Richard Somes si

Javi at kahit first timer sa action ay sobrang husay lalo na sa mga mahihirap na fight scenes.

Plano ni Direk Richard at Javi na isali sa international filmfest ang Kid Alpha One at mai-release sa ibang bansa. Nakatakda naman itong ipalabas dito sa susunod na taon.

MAGKAPATID NA JERRAINE AT JHON GRAND WINNERS SA ‘KIDDIE BALLROOM’ WAGI NG P100K

LIMANG kiddie pairs ang naglaban sa sayaw na cha-cha, boogie, rumba at pasa Jerraine and Jhondoble nitong Sabado sa grand finals ng “Kiddie Ballroom” sa APT Studios. Matapos ang unang round ay nagkaroon ng dance challenge na hindi alam ng mga finalist kung ano ang kanilang mga sasayawin at dito na rin pinili ang Top 3.

Nag-standout para tanghaling Grand winner sa tatlong judges na kinabibilangan nina Sexbomb Rochelle Pangilinan-Solinap, Reina His-panoamericana 2017 na si Winwyn Marquez at Dancing Cup Bronze Medalist and Professional Latin Couch Ms. Victoria Huyatid ay ang magkapatid na Jerraine at Jhon Parcon na na­ging champion na noon sa laban nila sa Italya. Tumataginting na P100K ang naiuwi nina Jerraine at Jhon samantalang pinagkalooban rin ng cash prize ang kanilang 1st Runner-up na sina Alyzza at Marleo.

Comments are closed.