Resto food sa QC na walang calorie count label bawal na

Ni Ma. Luisa Macabuhay-Garcia

Ipagbabawal sa mga restaurants at food chains sa Quezon City ang pagkaing walang label ng calories base sa nilagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ordinansa kamakailan.

Ani Belmonte, layon ng ordinansa na tinaguriang “Calorie Labelling Policy” na matutong kumain ng may tamang gabay ng calorie at nutrisyon ang mga taga-QC upang makaiwas sa sakit.

Sa ilalim ng naturang bagong ordinansa na may titulong “An Ordinance mandating restaurans or similar food business operating or doing business within the erriorial jurisdiction of of Quezon Ciy to include in their menu he calorie count per serving of he food they are offering to the public for improved health and nutrition outcomes, providing penalties for non compliance therefore and for other purposes,” ipinaliwanag ni Belmone na obligado ang mga restaurant o food chains lalo na ang mga malalaking kahalintulad na establishments tulad nito sa lungsod na maglagay ng label ng calorie count sa bawat pagkaing ihahain sa mga customers.

Paliwanag ni Belmonte na ito umano ay upang makapagdecision anya ang costumer sa kanilang kakainin upang makaiwas sa mga sakit na tulad ng hypertension, diabetes, at iba pa.Subalit hindi saklaw ng naturang ordinansa ang small and medium enterprises o SMEs na mga kainan tulad ng mga carenderia, food trucks, hawkers, ambulant vendors at iba pang kahalintulad nila.

“Mas hahaba ang kanilang mga buhay ,mas makakapiling nila ang mga mahal nila sa buhay.Kung malusog ang Qcitizen ibig sabihin nito mas magiging produktibo din siya.Ang ibig sabihin nito mas makakapag ambag siya sa paglago ng ating ekonomiya,”sabi ni Belmonte.

“Nais din anya niyang linawin na ang bagong polisiya na ito ay hindi magiging pabigat sa mga maliliit na negosyante ng lungsod tulad ng mga karinderya…Hindi po sakop ng ordinansa ang ating maliliit na kainan. Pero bibigyan pa natin sila ng insentibo kapag nagkusa sila na maglagay ng calorie count sa kanilang regular na menu,””giit ni Belmonte.

“Nais nating maging ligtas ang ating QCitizens sa non-communicable diseases. Kapag may calorie labeling, may kapangyarihan ang Qcitizen na pumili ng masustansyang pagkain dahil hawak nila ang tamang impormasyon (With calorie labeling, QCitizens have the power to make healthier food choices because they have the correct information),” sabi ni Belmonte.