ni SUSAN CAMBRI
BINUKSAN na kamakailan ang restaurant na hindi lamang nagsisilbi ng authentic Cantonese foods kundi ng mga pagkain at inumin para sa mga kabataan. Matatagpuan ito sa Quezon City.
Hindi mo na kailangang magtungo pa sa Chinatown sa Maynila kung gusto mong kumain ng roasted Peking duck, pork asado, roasted chicken, dimsum at iba pa.
Isa lamang ang Siobee Roasters sa mga negosyong nagbukas nitong Setyembre 9 o 9.9 sa paniwalang ang petsa ay masuwerte.
Hindi nagpahuli ang Siobee Roasters sa lasa ng Chinese foods dahil ang chef nito ay galing mismo sa Hong Kong at sa tulong din ng Filipino chef ay nakapaghahain sila ng.mga katakam takam na putahe.
Pag-aari ng mga Filipino-Chinese, naisipan nilang itayo sa Quezon City ang kanilang negosyo upang ang mga naninirahan dito at kalapit na lugar ay hindi na kailangang bumiyahe tungo sa Maynila na sentro ng mga restaurant ng mga Tsino.
Kombinasyon ng modern at traditional ang ambiance sa restaurant na ipinamamahala ni Mr. John Ngo (isa sa mga may ari) sa kanyang anak na si Micole Ngo at partner na si Mr. Jerome Go.
Kung nais mo namang magpalamig o mag-desert pagkatapos kumain ay nagsisilbi rin sila ng milk tea at kape.
Sinabi ni Mr. Go na siniguro niyang hindi lamang para sa traditional na Chinese ang matatagpuang pagkain o inumin sa kanilang restaurant kundi para rin sa mga kabataan at millenials.
Affordable ang presyo ng mga pagkain at drinks na hindi lamang inihahain para sa mga Tsino kundi para rin sa mga Pilipino.
Ang Siobee Roasters ay nasa Unit 7, Tower 2 Xavierhills Condominium, Granada Street, Barangay Valencia, Quezon City malapit sa hangganan ng San Juan.
Kaya para sa mga foodie, tara na nang maka-discount ng 20% sa lahat ng food items hanggang Setyembre 30.