RESTOBAR GARAGE 88 NI YENG CONSTANTINO MAY TATLONG BRANCH NA

YENG CONSTANTINO

BUKOD sa pagi­ging indemand sa concert scene ay may business na pinatatakbo si Yeng Constantino atentra eksena ang mister nito na si Victor Asuncion. Ang name ng Resto bar ng mag-asawa ay Garage 88 na ang unang branch ay ipinatayo nila noong Nob­yembre 25, 2014 sa may Katipunan Ave, Quezon City at sa loob lamang ng mahigit tatlong taon ay nadagdagan pa ng dalawang branch ang Garage 88 na located sa Global City sa may Taguig at sa Parañaque.

Ito ang unang negosyo ni Yeng at ipinagmamalaki niya ang investment niyang ito. “Nag-iisip ako ng nenegosyohin before pero since wala pa akong experience, hindi ko alam kung saan. So nu’ng nag-open ‘yung opportunity through a friend, pumasok ako hindi lang dahil para mag-invest pero kasi nu’ng natikman ko ‘yung food, ang sarap,” she said.

Bukod sa beer at burger ay masasarap na breakfast ang offer ng restobar ng nasabing singer.

PINAY SINGER NA SI MIKA LORIE PARANG  FOREIGN CONCERT

ARTIST ‘PAG NAGPE-PERFORM

ISA namang Pinay singer-recording artist ang matagal ng pinagkakaguluhan sa Osaka, Japan sa kanyang mga regular gig na ang crowd ay iba’t ibang lahi. Siya ay si Mika Lorie, na animo’y foreign artist kapag nagpe-perform. Five years ng entertainer at nakagawa ng dalawang single na “Distant Star” at “Dream” sa LSR Star Records at Winglows Music Japan.

Mas sumikat ang name ni Mika dahil sa dalawang single na na-release na parehong very catchy ang lyrics at melody pero kung siya raw ang tatanungin ay gusto rin ni Mika na makagawa siya ng CD Lite album sa Pinas na susuportahan ng kanyang mga kababayan. At malakas ang vibes namin na magtata- gumpay rito ang bagong pini-PR naming Diva. Puwede niyo palang mabili at i-upload ang Distant Star at Dream sa iTunes, Apple Music, LINE Music, KKbox, Amazon Music, AWA play music, Spotify, at SHAZAM. Samantala, naging former singer din ng  famous na Budweiser Carnival sa Juso, Osaka si Mika at dati ring naging radio personality sa Kansai Radio 558 KHZ (Yuruyuruyoyuro Radio Station). Nagpe-perform naman siya ng live sa Billboard Umeda sa Osaka at mga event kung saan nakasama na niya sa mga concert sina April Boy Regino, Aegis at marami pang iba.

Ang event at concert organizer na si Mr. Pierre Ellis pala ang nagha-handle ng career ni Mika at going to one year na ang samahan ng mga ito bilang talent and manager.

LAUNCHING NG FIRST SINGLE NG MGA MUSIC HERO NA

“WALANG PAPALIT” SA EAT BULAGA MATAGUMPAY

MUSIC HERONAGING mainit ang pagtanggap ng fans ng young musicians na Music Hero, sa ginanap na launching ng kanilang first single na “Walang Papalit” sa Eat Bulaga. At nagpasalamat ang miyembro ng Music Hero na kinabibilangan ng 7 guys and 1 girl sa EB, composer at sa kanilang mahuhusay na coach na nagturo sa kanila ng mas malawak na kaalaman sa music. Pakinggan at i-download ang kanilang first original single “Walang Papalit” on Spotify and iTunes. Ito ang FIRST band performance nila sa Music Hero. Tara na’t maki-LSS! LISTEN to “Walang Papalit” http://bit.ly/ MHWalangPapalitSUBSCRIBEhttps://www. youtube. com/eatbulaga1979/.

Naging jampacked three Saturdays ago ang buong Broadway Studio sa rami ng mga tagahanga ng Music Hero na sumuporta sa naturang single launching. Mapapakinggan na rin ang said single ng young musicians sa ilang top-rating FM Stations.

Comments are closed.