RESULTA NG ELECTORAL PROTEST VS ROBREDO IGAGALANG NI DIGONG

Leni Robredo

ANUMAN ang magiging desisyon ng Presidential Electoral Tribunal hinggil sa electoral protest na isinampa ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  laban kay Bise Presidente Leni Robredo ay igagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pagtiyak ay ginawa ng Pangulo nang kunan ng reaksiyon kaugnay sa pagsusumite ng report sa resulta ng recounting ng  mga balota  sa tatlong  pilot provinces ni Supreme Court Associate Justice Benjamin Caguiao na siyang ponente sa nabanggit na kaso.

Ayon sa Pangulo, sa sandaling lumabas ang report ng PET ay maaa­ring kuwestiyunin pa ito sa Korte Suprema na siyang kakatig o baligtad sa naturang report.

“We will just follow the law. But if the law says that Robredo is the rightful occupant, then we’ll just have to follow the final orders of the Electoral Tribunal or the Supreme Court. What is important here is that we follow the law,” giit ng Pangulo.

Ang tatlong pilot provinces at sumasaklaw sa  5,415 election precincts sa Iloilo, Negros Occidental, at Camarines Sur.

Subalit hindi malinaw kung ano ang nilalaman ng naturang report.

Magugunita na nag­hain ng electoral protest si Marcos laban kay Robredo dahil sa aniya’y malawakang pandaraya sa vice presidential race.

Natalo si Marcos ng 263,473 boto kay Robredo noong 2016. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.