TINIYAK ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na ilang panahon na lamang ang mararadaman na ang Golden Age Nation na positibong epekto ng mga nakompletong proyekto sa ilalim ng ‘Build Build Build’ ng Duterte administration.
Ito ang anunsiyo ng kalihim nang maging guest speaker sa pulong balitaan ng Business Mirror Coffee Club na itinataguyod ng ALC Media Group sa pangunguna ni ALC group of companies Chairman D. Edgard A. Cabangon at T. Anthony C. Cabangon, publisher ng BusinessMirror.
Aniya, ang Golden Age nation ay nangangahulugang nagagamit na ng mamamayang Filipino ang mga proyektong isinulong ng pamahalaang Duterte kung saan sila ang naging instrument para maisakatuparan ito.
Halimbawa nito ang skyway project sa Edsa kung saan kapag natapos na ito bago ang 2022 ay nasa 20 minuto na lamang ang biyahe.
Karugtong din ng skyway project ang mga palabas sa Metro Manila gaya sa North Luzon Expressway, Southen Luzon Expressway kasama na rin ang iba pang mga expressways sa labas nito na naglalayong mapabilis ang biyahe.
Gayundin ang pagtatayo ng mga kalsada at tulay sa mga probinsiya.
Kasama rin sa Golden Age Nation ang pagkakaroon ng mga world class na paliparan at pantalan.
Samantala, tiniyak din ni Villar na sa labas naman ng battle area sa Marawi City ay naumpisahan na rin ang mga imprastruktura na bahagi ng rebuilding ng lungsod matapos ang giyera noong Mayo 2017.
Sa Metro Manila naman, tutukan ding ng DPWH ang pagsasaayos ng Guadalupe Bridge sa Makati City upang makaiwas sa sakuna. EUNICE C.
Comments are closed.