RESULTA SA BLACK BOX FINDINGS NG C-130 CRASH SA AGOSTO PA

INAASAHANG aabutin pa ng isang buwan bago malaman ang resulta ng pagsisiyasat sa black box o flight data recorder ng bumagsak na C-130 Hercules Cargo Plane sa Patikul, Sulu kamakailan.

Ayon kay Philippine Air Force (PAF) Spokesperson Ltc Maynard Mariano masyado pang maaga para sabihin ang pinal na sanhi ng pagbagsak ng C-130 aircraft kaya nararapat lamang na hintayin ang resulta.

Lahat aniya ng posibleng anggulo ay tinitingnan ng mga imbestigador.

Nabatid na 100 percent na ang pagrekober sa mga bahagi ng bumagsak na aircraft at ilan sa mga ito ay dinala na sa Mactan Air Base para sa gagawing “repair and reconstruction.”

Magugunitang naipadala na sa Estados Unidos ang black box.

Sa kabilang dako, siniguro ng PAF sa pamilya ng mga nasawing sundalo ay matutukoy at huwag silang mangamba dahil ang dental records ang kanilang basehan upang makasiguro na ang kanilang yumao ang ihahatid sa kanila.

Sa ngayon, 28 na ang nakilalang mga labi ng AFP mula sa 49 na nasawing sundalo sa pagbagsak ng C-130 sa Patikul, Sulu noong nakaraang linggo.

5 thoughts on “RESULTA SA BLACK BOX FINDINGS NG C-130 CRASH SA AGOSTO PA”

  1. 934888 675179This really is a good topic to talk about. Sometimes I fav stuff like this on Redit. I dont feel this would be the best to submit though. Ill take a look about your website though and submit something else. 656435

  2. 400368 106648Possible require all types of led tourdates with some other fancy car applications. Numerous also supply historic packs and other requires to order take into your lending center, and for a holiday in upstate New York. ??? 449082

Comments are closed.