POSITIBO ang mga kinatawan ng Pilipinas na muling mabubuksan ang naunsiyaming usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Duterte administration at Communist Party of the Philippines-New People’s Army.
Ito ay bunsod ng magandang resulta ng mga nagaganap na back channel talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at CPP-NPA-NDFP sa Europe.
Nabatid na matapos ang isinagawang cabinet meeting kamakalawa ng gabi sa Malacanang ay nagreport kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina Presidential Peace Adviser Jesus Dureza at Labor Secretary/Chief Peace Negotiator Silvestre Bel-lo III hinggil sa resulta ng ongoing back channel talks sa Europe.
Produktibo umano ang usapan sa posibleng pagbabalik ng dalawang panig sa ne-gotiating tablet.
Inihayag nina Secretary Dureza at Sec. Bello kay Pangulong Duterte na malinaw nilang naiparating sa “kabilang mesa” ang direktiba nito at pakay ito ngayon ng talaka-yan sa mga pagpupulong na nagaganap.
“Our team is now in Europe and we are informed that there are initial positive results so far,“ ani Secretary Dureza.
Inihayag naman ni Secretary Bello na pabalik na sa mga susunod na araw ang ka-nilang team para personal na ihayag kay Pangulong Duterte ang naging bunga ng mga pag uusap. “We are doing our best to meet the deadline set by the President about the resumption of talks within 60 days,” dagdag pa ni Bello.
Magugunitang nagtakda si Pangulong Duterte ng 60 araw sa magkabilang panig para sa muling panunumbalik ng peace talk sa makakaliwang hanay.
Positibo rin ang tugon ng CPP-NPA-NDFP na makakaya nilang makatugon sa 60 days deadline na ibinaba ng pangulo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.