TINAWAG ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na iresponsable at provocative behavior ang muling pag-atake sa pamamagitan ng water cannon ng China Coast Guard (CCG) sa Unaizah May 4, Sabado ng umaga.
“At 06:08AM on March 23, 2024, China coast guard vessel BN21551 performs dangerous maneuver of crossing the bow against Philippine Supply Vessel Unaizah May 4 [UM4] while en route to Ayungin Shoal for the Rotation and Resupply mission for the Filipino soldiers stationed in BRP Sierra Madre,” nakasaad sa pahayag ng PCG sa official Facebook page.
Ayon kay Tarriela, nagtamo ng malaking pinsala ang UM4, ang barko na kinomisyon para magdala muli ng resupply sa mga tropa ng gobyerno na nakatalaga sa BRP Sierra Madre, matapos bombahin ng CCG ships habang papalapit sa Ayungin Shoal.
“MRRV 4409 has been isolated from the resupply boat due to the irresponsible and provocative behavior of the Chinese maritime forces, who have shown a disregard for the Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS),” pahayag ni Tarriela.
Sa impormasyon na ibinahagi sa mamamahayag, iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bandang alas-8:52 ng umaga, nakita ang malaking pinsala sa Unaizah May 4 (UM4) sanhi ng walang tigil na pambobomba ng tubig mula sa 2 CCG vessels.
Bukod sa pambobomba ng tubig, inilabas ng PCG ang video kung saan nagsagawa ng “dangerous maneuver of crossing the bow” sa UM4 at naulit pagkalipas ng isang oras sa pamamagitan ng “reverse blocking maneuver” habang papalapit sa Ayungin Shoal at muntik ng mauwi sa salpukan.
Ayon sa AFP, bago sumapit ang alas-8 ng umaga, sinimulan ng CCG pagbomba ng water cannon sa UM4 “deliberately targeting and hitting supply boat.”
Ang pangyayari ay ipinakita ng AFP sa pinost na video sa social media.Ito na ang pangalawang insidente ng pambobomba at mapanganib na hakbang ng CCG sa resupply ship ng AFP ngayong buwan.
Iniulat ng AFP na nakalapit sa UM4 ang BRP Cabra ng PCG vessel at ineskortehan ito para makalayo sa mga barko ng CCG at dalawa pang Chinese maritime militia vessels.
Sa ulat ng isang international news agency, nakasaad na inihayag ng CCG na ang aksyon kontra Philippine vessels ay bahagi ng `control measures’ sa patuloy na panghihimasok ng Pilipinas sa karagatan na teritoryo ng China sa Second Thomas Shoal at Spratly Islands araw ng Saturday.
Ayon sa AFP, ang UM4 ay umalis sa Naval Detachment Oyster Bay sa Puerto Princesa City, Palawan noong Biyernes, March 22, 2024 at ineskortehan ng dalawang Philippine Navy ships at dalawang barko ng PCG.
EUNICE CELARIO