RETAILERS AT SUPPLIERS SA DTI: WALANG TAAS-PRESYO SA N95 AT IBA PANG MASKS

N95 Mask

NANGAKO ang mga drug at medical stores sa Department of Trade and Industry (DTI) na hindi sila magtataas ng kanilang presyo ng N95, surgical, at iba pang klase ng masks ngayong ang bansa ay nahaharap sa epekto ng phreatic eruption ng Taal Volcano na nangyari noong Linggo, Ene­ro 12.

Sa natanggap na report tungkol sa kumakalat na mataas na bentahan ng medical masks sa merkado, agad nagpakalat ang DTI ng monitoring teams sa mga apektadong lugar sa Ca­vite, Laguna, Batangas, Quezon, at Metro Manila para i-monitor ang presyo at supply ng nasabing produkto, kasama ang gamit na nasa listahan ng pangunahing pa­ngangailangan at bilihin.

Isiniwalat sa monitoring report na ang N95 masks ay ibinebenta ng PHP120 hanggang PHP 150 bawat isa habang ang surgical masks na ang presyo ay PHP1.00 bawat isa ay ibinebenta ng PHP4.00 bawat piraso matapos ang pagsabog ng Bulkang Taal. Karamihan dito ay ibinenta dahil sa pagtaas ng demand dala ng ashfall na halos nakapalibot na sa mga kalapit na bayan at siyudad at mga probinsiya na nasa paligid ng Taal.

“While we recognize that the N95, surgical, and other similar masks as medical supplies are under the jurisdiction of the Department of Health (DOH), the DTI readily dispersed its teams to monitor the prices and supply of these masks to assist the DOH and the consumers. As the Health Department, we understand that its utmost priority is ensuring the lives and health safety of those who are affected by the phreatic eruption. Market surveillance and monitoring is the best form of immediate assistance that the DTI can provide. As the President constantly underscores, A whole-of-government approach is highly necessary and called for especially during times of calamities and disasters,” sabi ni DTI Secretary Ramon M. Lopez.

Niliwanag pa ng DTI na ang mga face masks na ito ay hindi classified bilang pangunahing bilihin sa ilalim ng Price Act. Kaya wala itong Suggested Retail Prices (SRPs) at hindi naging bahagi ng listahan ng mga produkto na mino-monitor ng DOH o alinman sa implementing agencies ng nasabing batas.

Pero sinasabi ng Price Act na ang National Price Coordinating Council (NPCC) kung saan may bahagi ang DTI at DOH, ay puwedeng magrekomenda sa Presidente na isama ang mga mask sa listahan ng pangunahing bilihin. Kung maaprubahan, ang NPCC sa rekomendasyon ng DOH at konsultasyon sa mga kasapi ay puwedeng magtakda ng SRP, kung kinakailangan.

Dahil nawalan na ng stock ng medical masks, kinausap ng DTI ang mga lokal na supplier at major drug store chains tulad ng Mercury Drug, Watsons, and Southstar Drug, na siguruhin na makakapag-stock silang muli at siguruhin ang patuloy na pagka-karoon ng supply sa kanilang mga sangay, lalo na sa mga apektadong lugar.

Pansamantala, ang kasalukuyang imbentaryo sa kanilang mga sangay at warehouses sa mga hindi apektadong lugar ay ipamamahagi sa kanilang tindahan sa Calabarzon at Metro Manila habang naghihintay ang pagdating ng bagong stocks. Kinontak din ng DTI ang foreign suppliers DTI para madaling makapagpadala ng stocks dito sa bansa.

Sa naunang abiso, pinaalalahanan ng  DTI ang mga retailer na tigilan na ang hindi resonableng pagtataas ng presyo ng N95, surgical, at ibang pang katulad na masks. Mananatili walang pagbabago sa presyo ng  manufactured na pangunahing gamit at bilihin tulad ng naitala noong Setyembre 30, 2019 DTI Suggested Retail Price Bulletin.

Ang sinumang malamang may paglabag at malamang nanghuhuthot o gumagawa ng labag sa batas ay papatawan ng kaukulang parusang kriminal at anumang naaayon sa batas.

I-report ang overpricing at anumang ilegal na gawain ng pagmamanipula ng presyo sa One-DTI (1-384) Hotline o mag-email sa [email protected].