RETAILERS, BAKERS SUPORTADO ANG PRICE FREEZE SA LUGAR NA TINAMAAN NG LINDOL

Steve Chua

BUO ang suporta ng Philippine Amalgated Supermarkets Association (PAGASA) sa price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na tinamaan ng lindol kapag ipinatupad ito ng gobyerno.

Sa isang panayam kamakailan, nangako ang PAGASA president na si Steve Cua, na susunod ang kanilang mga mi­yembro ng supermarkets kung magbigay ng order ang gobyerno.

“It’s more like a standard practice already for a member’s post-calamity. They know what to do,” sabi ni Cua.

Pero hiningi niya ang suporta ng media sa pagpapakalat ng impormasyon para sa kanilang miyembro.

Nauna nang nagbigay ng direktiba si Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na pag-ibayuhin ang price monitoring sa mga lugar sa Luzon na napinsala ng lindol na nasa 6.1-magnitude tremor noong Lunes.

Nag-isyu rin ang Department of Energy noong Miyerkoles ng moratorium sa presyo ng produkto ng petrolyo sa 2nd District ng Pampanga sa susunod na 15 araw, na kasama rito ang kerosene at ang household liquefied petroleum gas (LPG).

Maliban sa Luzon, Luzon, magkakahiwalay na lindol ang tumama sa ilang parte ng Visayas, Minda­nao at ang Bicol region.

“Price freeze” ay mekanismo ng gobyerno para mapigilan ang mga tiwaling negosyo na abusuhin ang sitwasyon sa mga lugar na apektado ng kalamidad. Ayon kay Lopez, karaniwan itong ipinatutupad sa loob ng 60 araw.

Dahil dito, umaasa si Cua na ang araw ng pagpapatupad ay mag­dedepende sa klase ng kalamidad, at hilingin sa gobyerno na huwag itsek ang standard retail prices (SRPs) sa panahon ng kalamidad, “just for the purpose of free trade.”

Pero sinabi ni Cua na ang kanilang miyembro sa mga apektadong lugar ay hindi pa nakatatanggap ng direktiba sa price freeze, “but rest assured we will support and comply.”

Kahalintulad nito, ang Philippine Federation of Bakers’ Associations, Inc. (PFBAI) ay susunod din sa panawagang ito ng go-byerno.

Ang tinapay ay isa sa bahagi ng mga pangunahing pangangailangan kasama ang sardinas, gatas, tubig, at instant noodles, ilan sa mga ito.

“During calamities, our priority is service to our people, not profit,” sabi ni PFBAI vice president and spokesperson Lucito Chavez sa isang panayam sa telepono kamakailan.

Tulad ng supermarket group, ang mga panadero sa bansa ay nabigyan na rin ng instruksyon pagdating sa post-calamity practic-es.

Ipinaliwanag ni Chavez na ang produkto ng tinapay tulad ng mga delata, ay karaniwan nang kasama sa relief goods na ibinibigay sa biktima ng kalamidad dahil ang mga ito ay mada­ling balutin at impakehin at maipamahagi ng madalian.     PNA

Comments are closed.