RETIRADONG PULIS LIGTAS SA AMBUS

pinagbabaril

LAGUNA – LIGTAS na sa tiyak na kamatayan ang 65-anyos na retiradong pulis matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang bilang ng mga suspek habang lulan ito ng kanyang minamanehong kotse sa Villa Carpio, Brgy. Parian, lungsod ng Calamba.

Kinilala ni PLt. Col. Jacinto Malinao,  hepe ng pulisya, ang biktimang si Melvin Polintan Llanes, ng Marcville Subdivision, lugar na ito.

Bandang alas-12:30 ng hapon batay sa resulta ng imbestigasyon nang maganap ang insidente habang kasama ng biktima ang kanyang live-in-partner at anak na babae ng tambangan ng mga suspek lulan ng isang tricycle bago ito pinaulanan ng bala.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang mukha ang biktima na tumagos sa kanyang kanang balikat samantalang wala naman aniyang nasugatan sa kanyang pamilya kung saan nagawa pa nitong sumugod sa ospital makaraan ang insidente.

Tumakas ang mga suspek matapos ang pananambang lulan sa nabanggit na tricycle. DICK GARAY

2 thoughts on “RETIRADONG PULIS LIGTAS SA AMBUS”

Comments are closed.