LAGUNA – MALALIMANG imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng pulisya kaugnay sa panibagong pagpatay sa 49-anyos na retiradong pulis sa Sitio Silangan Village, Bgy. Canlubang, lungsod ng Calamba.
Ayon sa ulat ni Provincial Information Officer (PIO) PLt. Col. Chitadel Gaoiran kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang biktimang si Retired (Optional) SPO4 Edwin Garcia Chavez, may asawa, residente ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, bandang ala-5:15 ng madaling araw nitong Sabado habang naglalakad ang biktima para bumili ng sigarilyo sa tindahan nang biglang sumulpot ang gunman at pinagbabaril ito gamit ang M16 Armalite Rifle.
Agad bumulagta ang biktima bunsod ng tinamo nito sa kanyang ulo at katawan samantalang mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek patungo ng kabayanan.
Kaugnay nito, patuloy na kinikilala ng pulisya ang mga suspek at posibleng motibo sa pamamaslang. DICK GARAY
After exploring a few of the blog posts on your blog, I seriously like your technique of writing
a blog. I saved it to my bookmark webpage list and will be checking back in the near future.
Please visit my website as well and let me know your opinion.
Hello my friend! I wish to say that this post is amazing, nice written and include almost all
significant infos. I’d like to look extra posts like this .