HINILING kahapon ni Presidential Adviser on Peace Sec. Carlito G. Galvez sa mga retiradong pulis at sundalo na suportahan ang lilikhaing peace panel.
Ang peace panel ay naatasang pangasiwaan ang nakatakdang pakikipag-usap sa Moro National Liberation Front (MNLF), at localized dialogues sa hanay ng mga rebeldeng komunista.
“As the vanguard of peace in our country, I am asking your full support to move the peace process further as you continue to play your role in peacebuilding,” panawagan pa ni Galvez ng dumalo siya sa First Quarter Fellowship Meeting First Quarter Fellowship Meeting ng mga kasapi ng Association of General and Flag Officers (AGFO).
Sa loob ng 53 taon mula nang itatag ang AGFO noong 1966 ay palaging ibinabahagi ng samahan ang kanilang expert opinion sa national security-related issues.
Ang organization First Quarter Fellowship Meeting ay may temang, “Issues, Challenges, and Prospects of Government Peace Process Efforts.”
Hiniling din ni Galvez sa AGFO na magbuo ng advisory committee na makapagbibigay ng sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ng mga rekomendasyon kung paano isusulong ang ibat ibang peace-building initiatives.
“We are asking our members in the AGFO to please help me in crafting possible prospects, or what we call our peace agenda for our nation,” dagdag pa ni Galvez.
Magugunitang noong December 2018, nilagdaan ni Presidente Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 70 or “Whole-of-Nation Approach,” na nagibigay daan para para sa pagsasakatuparan ng localized peace engagements sa hanay ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.
Bukod pa rito ang patuloy na pakikipag-usap sa MNLF Misuari faction. VERLIN RUIZ