RETIRED ACTRESS NA SI AYA MEDEL MAY 2 RESTO SA BICOL NA DINUDUMOG

LEVEL-UP na talaga ang pagi­ging restaurateur ng bold actress noong 90s na si Ayaentra eksena Medel na binansagang “Papaya Queen.”

Yes, bukod sa kanyang unang Japanese restaurant na IshiAya Garden sa Tabaco, Albay ay nagbukas ng branch na IshiAya de Legazpi sa Legazpi City ang former bold actress na maliban sa Japanese food ay matitikman din ang pagkaing Bikol. Well, may karapatan sa ganitong klase ng business si Aya dahil graduate siya ng Culinary Arts under famous chef na si Gene Gonzales.

Si Aya ay napanood sa mga pelikulang “Asong Ulol,” “Totoy Mola,” “Molata,” “Padre Kalibre” at ang “Babae sa Bubungang Lata” kung saan napansin ang husay sa pag-arte ni Aya, at na-nominate sa isang award giving body. Samantala, si Aya ay may dalawang anak sa kanyang former Japanese husband.

FILM DIRECTOR/PRODUCER REYNO OPOSA TYPE MAIDIREK SI COGIE DOMINGO SA GAY-THEMED MOVIE

MAY gay movie na gagawin ang kaibigan naming director na based sa Toronto, COGIE DOMINGOCanada na si Reyno Oposa. It’s about gay relationship na sa sobrang pagmamahal ng bading  sa karelasyong guy na pinagtaksilan siya, ay ibinigay pa nito ang kanyang mga mata. Bahala na siya ang mabulag, huwag lang  ang lalaking minamahal.

Ang gustong guma­nap ni Direk Reyno sa role na ito ay walang iba kundi si Cogie Domingo na vindicated na sa kasong may connect sa illegal drugs. Ang indie actor-model naman na si Jay Garcia ang gaganap na boyfriend ni Cogie at lumabas na ito sa ilang indie films. Either July o August ang target ni Direk Reyno para sa shooting ng gay-themed movie niyang ito.

Samantala, happy si Direk Reyno at ‘yung movie niyang “Agulu” na huling pelikula ni Kristoffer King ay napiling isa sa official entries sa Gawad CCP Alternative Films sa Cinemalaya 2019.

NAKASAMA SA 40 TAON NG EAT BULAGA KASALI SA 4 DECADES ANNIVERSARY CELEBRATION

ISA-ISA ng ina-acknowledge ng Eat Bulaga ang lahat ng mga naging bahagi ng eat bulaga4kanilang programa kasama ng mga sumali sa kanilang iba’t ibang segments para sa kanilang 40 taon sa tele­bisyon simula sa unang network na RPN 9 kung saan napanood ang pilot episode nila noong July 30, 1979.

At maging ang i­lang lumipat na host sa ibang network tulad ni Toni Gonzaga, ay pinadalhan nila ng basket of fruits and flowers na may kasama pang liham na ang mensahe ay “Dear Ms. Toni Gonzaga, para sa apat na dekada…”Para sa nakasama sa tuwa’t saya… “Para sa forever Dabarkads…”saan man magpunta…”Certified bahagi ka ng Eat Bulaga!”  Si Toni ang isa sa nabigyan ng malaking break ng Eat Bulaga para maging isang mahusay na TV host at taong 2002 hanggang 2005 siya naging parte ng no.1 and longest-running noontime variety show.

Ang simpleng caption ni Toni bilang tugon sa pag-aalala sa kanya ng dating show sa GMA7 ay, “Thank you @ eat bulaga 1979” na nilagyan ng actress ng heart emoji sign.

Comments are closed.