KINUMPIRMA kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III na ang retiradong heneral na si Ricardo Morales ang itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong presidente ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Papalitan ni Morales sa puwesto ang nagbitiw na si Roy Ferrer, kasunod na rin ng nabunyag na ghost dialysis scam sa PhilHealth.
Matatandaang una nang sinabi ng pangulo na ililipat niya ng puwesto si Morales mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kung saan ito nagsilbi bilang board member.
Hindi pa naman masabi ni Duque kung kailan mauupo sa PhilHealth si Morales dahil hinihintay pa ang appointment paper ni Morales mula sa Ma-lakanyang.
Unang lumutang ang pangalan ng doctor-businessman na si Jaime Cruz para maging pangulo ng PhilHealth, ngunit hindi umano nito tinanggap ang posisyon. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.