RETIRED PRIESTS BISITAHIN

Bishop Broderick Pabillo

HINIKAYAT ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang mga layko na bisitahin ang mga matatandang pari sa “retirement homes” para hindi sila makaramdam ng kawalan ng silbi.

Ang apela ay kasabay ng pag-amin ng obispo na may mga retiradong paring Katoliko ang nakararanas ng mood disorders sanhi ng depresyon.

“It’s normal not just with the priests but even to those with families. If you leave them, they get depressed. So we should still visit and talk with them,” ayon kay Pabillo.

Maaari rin aniyang magbigay suporta sa kanila sa pamamagitan ng pagtulong sa pagbibigay ng kanilang materyal na pangangailangan gaya ng gamot.

Ayon kay Rai Jaramilla, secretary ng Ephesus Ministry, isang Church-based group na kumakalinga sa mga matanda at maysakit na pari, ang mga retiradong pari ay nakararanas umano ng mental depression.

“Their depression may be connected with their unresolved issues [in the past], during their term as Catholic officials,” ayon kay Jaramilla.

“They may also be in denial that they have financial mismanagement, and they are no longer in the limelight of their parishes,” dagdag pa ni Jaramilla.

Kapag kasi  nagretiro na ang mga pari ay nawawala na sa mga ito ang atensiyon ng mga deboto at nalilipat na sa mga mas batang pari.

Isa pang nakita umano nilang problema ay hindi na­ging malapit ang mga retiree sa kanilang pamilya o kaanak na maaaring dala na rin umano ito ng matagal na pananatili sa seminaryo.

Sa datos ng ministry sa 5,000 pari sa bansa,  300 sa mga ito  ang nagretiro na.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.