PATAY na nang matagpuan ang isang retired professor ng University of the East (UE) na nakalubog ang ulo at katawan sa isang drum ng tubig sa loob ng kanyang comfort room sa Malabon City kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang biktima na si Emilie Cruz, 64-anyos, single, residente ng 111-B Valdez St. Brgy. Catmon, Malabon City.
Nadiskubre ang bangkay bandang ala-1kamakalawa ng hapon ng kanyang pamangkin na si Ivy Rose Capili ang wala ng buhay na biktima sa loob ng CR nito second floor ng bahay.
Ayon kina Malabon police homicide investigators P/SSgt. Corazon Nuque and P/SSgt. Ernie Baroy, nagpunta si Capili sa kuwarto ng kanyang tita upang tingnan kung natapon na ang kanyang basura subalit sa kabila ng kanyang mga pagkatok ay hindi sumasagot ang biktima na naging dahilan upang tanungin nito ang kanyang ina na si Thelma Loberto kung nasaan ang kanyang tita.
Pinuntahan ni Thelma at kanyang anak ang kuwarto ng biktima subalit, hindi nila ito nakita hanggang sa tinungo nila ang comfort room malapit sa kusina.
Nang buksan ang ilaw, laking gulat nila nang makita ang biktima na nakalubog sa drum ng tubig na naging dahilan upang alisin nila ang katawan nito sa drum saka tinangkang i-revive subalit wala na itong buhay.
Inirekomenda sa pamilya nito ang autopsy examination subalit tumanggi sila at sa halip ay gumawa ng isang waiver na naniniwala sila na walang foul play sa insidente na kung saan ay posibleng inatake ang biktima. VICK TANES
Oh my goodness! Incredible article dude! Thank you so much, However I am going through issues with your RSS. I don’t know why I am unable to subscribe to it. Is there anybody getting similar RSS issues? Anyone who knows the solution can you kindly respond? Thanx!
I haven?t checked in here for a while since I thought it was getting boring, but the last few posts are great quality so I guess I will add you back to my daily bloglist. You deserve it my friend 🙂
Thanks , I have recently been looking for info approximately this topic for ages and yours is the greatest I’ve found out so far. But, what about the bottom line? Are you positive in regards to the supply?