RETIREMENT CEREMONY KAY CJ DE CASTRO

ISANG farewell ceremony ang isinagawa ng mga kawani ng Korte Suprema  para kay Chief Justice Teresita Leonardo de Castro na nakatakdang mag­retiro sa susunod na linggo.

Dahil ito, sinuspende ang pang-hapon na trabaho sa SC para bigyang-daan ang retirement ceremony.

Bukod sa mga mahistrado, dumalo rin sa seremonya sina Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Justice Secretary Menardo Guevarra at imbitado rin  ang pamilya ni dating Chief Justice Renato Corona.

Sa farewell speech para kay De Castro, ibinida ni Guevarra ang naging legal at judicial career nito maging ang pagmamahal at suporta sa pamilya.

Binati rin ng kalihim ang natapos at naging kontribusyon ni De Castro sa kaniyang 43 na araw bilang punong mahistrado.

Comments are closed.