SA darating na Lunes, Abril 1 ay isasagawa sa Camp Crame ang Change of Command at Retirement of Honors para kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen.Benjamin Acorda Jr.
Kaya kahapon ay puspusan ang paghahanda sa kampo lalo na’t panauhing pandangal bilang guest speaker si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Una nang itinakda ngayong araw, Marso 27 ang extension ni Acorda bilang ika-29 na PNP Chief, subalit pasado alas-5 kahapon ay binawi at itinakda sa Abril 1 ang retirement honors at change of command para rito.
Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa tinutukoy kung sino ang papalit kay Acorda.
Una nang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo na ang police officers na may ranggong Brigadier General hanggang Lieutenant General ay kuwalipikado bilang kanilang maging pinuno.
Bukod sa miyembro ng Command Group at mga pinuno ng Area Police Command, kabilang sa mga matutunog na pangalan ay sina Director for Comptrollership, MGen. Rommel Francisco Marbil; Director for Operations, MGen. Ronald Lee.
Gayundin sina CIDG Dir. MGen. Romeo Caramat, SAF Director MGen. Bernard Banac at NCRPO Director MGen. Jose Melencio Nartatez Jr.
EUNICE CELARIO