RETIREMENT PAY AYAW BAYARAN NG JAM TRANSIT?

masalamin logo

NAGSAMPA ng reklamo sa National Labor Relations Council (NLRC) ang limang empleyado ng Jam Transit, Inc. dahil sa hindi pagbabayad ng retirement at hindi pagbibigay ng separation pay.

Kinilala ang mga empleyado na sina William Castro, Redempson Acojedo, Alberto Eleseo, Ernie Tipono at Josue de la Cruz.

Sa report, isinampa ang kaso noong Enero 2021 sa tulong ni Circle of Labor Advocates (CAL) Atty. Leandro Opetina, sa opisina ni Labor Arbiter Randy Pablo. Ani Opetina, naglabas ng memorandum ang NLRC Main office na dapat tapusin ang anumang gusot sa pagitan ng empleyado at employers nang hindi lalambas sa 30 araw, batay sa kautusan ni Pres. Rodrigo Duterte.

Ayon sa limang empleyado, ang mga nag-retire noong bago pa mag-pandemic ay nabayaran ng tig-isang milyon bawat empleyado habang ang iba naman ay pumayag na bayaran ng hulugan dahil sa kakapusan.

Gayunman, iginiit ng limang empleyadong nabanggit ay ayaw na umano silang bayaran ng Jam Transit, Inc., ng retirement pay ngunit walang ibinigay na dahilan.

Anila, inilalaban nila ang kanilang benepisyo upang makatanggap din ang iba pang empleyadong malapit na ring magretiro.

Sa batas, kailangang abutin ng limang taon sa serbisyo ang isang empleyado bago mabigyan ng retirement pay.

Optional ang retirement sa edad na 60 years old, habang mandatory naman kapag 65 years old na.

Exepmted ang retirement pay sa buwis. Sakaling walang retirement plan ang kumpanya, ipinatutupad ang Republic Act No. 7641 (RA 7641) o Retirement Pay Law kung saan ibibigay ang prescribed minimum retirement benefits, sa ayaw at sa gusto ng employer.

Ang mga benepisyo ay: kalahating buwang suweldo sa bawat taon ng serbisyo; limang araw na cash equivalent ng service incentive leave; at 1/12 ng 13th month pay bawat taon ng serbisyo.

4 thoughts on “RETIREMENT PAY AYAW BAYARAN NG JAM TRANSIT?”

  1. 82979 35Thanks for the post. I like your writing style – Im trying to start a weblog myself, I think I may read thru all your posts for some suggestions! Thanks once a lot more. 727651

  2. 285758 439033This is a right weblog for would like to discover out about this topic. You realize a lot its almost challenging to argue along (not that I personally would wantHaHa). You truly put the latest spin with a subject thats been discussed for a long time. Fantastic stuff, just wonderful! 58700

Comments are closed.