NAGBABALA si Special Adviser on National Task Force on COVID-19 Dr. Ted Herbosa na maaring malagay sa panganib ang taong magpapa-vaccine ulit kahit fully vaccinated na.
Giit ni Herbosa na ipinagbabawal ang revaccine sa isang indibidwal.
Sa idinaos na national experts webinar ng ALC Media Group sa Treston College ay sinabi ni Herbosa na may mga indibidwal nang nagpapa-revaccine sa kagustuhang makaiwas sa COVID-19, subalit hindi pa umano ito tinatanggap sa Pilipinas.
Samantala, sinabi pa ni Herbosa na malayo pa ang pagkakaloob ng second booster sa mga Pilipino dahil hindi pa nabibigyan ng first booster ang lahat ng mga nabigyan ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines.
Marami pa aniya ang dapat na magpa-booster kaya nanawagan ito sa publiko partikular sa mga senior citizen na magpa-booster shots na upang maging ganap ang proteksiyon sa COVID-19.
Dinaluhan ang forum ng mga kinatawan ng BusinessMirror, Philippines Graphic, DWIZ882, PILIPINO Mirror at iba pang media personalities. SCA