REVAMP SA ECONOMIC MANAGERS

Akbayan-Rep-Tom-Villarin-2

INIREKOMENDA ng isang kongresista ang pagbalasa sa economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod na rin ng pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng bansa sa 6 percent sa second quarter ng 2018 mula sa 6.6 percent noong first quarter at sa  6.7 percent noong nakaraang taon.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, ang pagbagsak ng ekonomiya ay may kinalaman sa palpak umanong ipinatutupad ng mga economic manager ng  Duterte administration.

Aniya, dapat nang palitan ang mga ito dahil sila ang accountable sa mga inilatag na polisiya sa ekonomiya na nakaaapekto nga-yon, lalo na sa mga mahihirap.

Kabilang na umano rito ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at ang cash-based budgeting na nagpapabagal sa mga ipinatutupad na proyekto.

Samantala, hinimok naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang pamahalaan na umaksiyon na at pag-aralan ang iba pang mga paraan para maiangat ang ekonomiya ng bansa at matigil na ang pagtaas ng inflation.   CONDE BATAC

Comments are closed.