REVAMP SA PNP MAY MGA DISMAYADO

Col Bernard Banac

HINDI maitanggi ng Philippine National Police (PNP) na ilang mataas na opisyal ng pambasang kapulisan na naapektuhan nang ipinatupad na revamp ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya.

Sa ibinigay na pahayag  ni  PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, totoong may ilang opisyal ang nagpahayag ng pagkadismaya nang sila ay malipat ng puwesto.

Subalit nilinaw ni Banac na tanggap naman ng ilan na bahagi ng career movement sa PNP ang ipinatupad na basalahan.

Una rito, hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga pulis na respetuhin ang ipinatupad na major revamp sa hanay ng kapulisan. VERLIN RUIZ

Comments are closed.