BUMULUSOK ang revenue collections ng attached agencies ng Department of Finance (DOF) noong Abril dahil sa lockdown na layong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon sa DOF, ang pinagsamang koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ay naitala sa P105.75 billion noong nakaraang buwan, mas mababa ng P183.85 billion kumpara sa P289.6 billion na nakolekta sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon, at mas mababa ng P25.25 billion sa P131-billion target para sa nasabing buwan.
Ang BIR ay nakakolekta ng P71.78 billion para sa buong buwan ng Abril, habang ang BOC ay may P33.97 billion na koleksiyon.
Sa kabila ng malaking pagbaba sa koleksiyon ng dalawang ahensiya, sinabi ng DOF na nananatiling ‘financially able’ ang bansa para matugunan ang mga hamon ng COVID-19 pandemic.
Ang Metro Manila, kasama ang ilang ‘high-risk areas’ ay naka-lockdown magmula pa noong Marso 17.
Comments are closed.