REVERSE JOB FAIR PARA SA OFWs

Labor Secretary Silvestre Bello III-9

NAGHAHANDA na ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa ‘reverse job fair’ na pinaplano nito para sa overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang proyekto na binuo ng ilang opisyal ng DOLE ay naglalayong himukin ang mga OFW na bumalik na sa bansa at dito na lamang magtrabaho,

Ani Bello, pangunahing target ng proyekto ang mga nasa construction works para makatuwang ng gobyerno sa ‘Build Build Build’ program nito na aarangkada na sa susunod na taon.

Layunin din, aniya, ng proyekto na muling makasama ng mga manggagawa sa ibang bansa ang kanilang mga pamilya, at maipakita sa lahat na may oportunidad at maayos na trabaho sa Filipinas.

Comments are closed.