REVETMENT WALL SA FISHERMAN’S WHARF PROTEKSYON SA PARAÑAQUE

DAHIL sa konstruksyon ng revetment wall ay protektado na ang kabuhayan laban sa peligrong dulot ng madalas na pagbaha sa lugar nina Manuel Pascasio at Ric Enrado, parehong mangingisda sa Fisherman’s Wharf, Barangay La Huerta sa lungsod ng Parañaque.

Dahil nagsisilbing pantalan at sentro ng ekonomiya ang Fisherman’s Wharf, ang madalas na pagtaas ng tubig sa lugar ay nakapagdudulot ng peligro hindi lamang sa buhay ng mga residente kundi pati na rin sa kabuhayan ng mga mangingisda at bangkerong umaasa sa kinikita sa kanilang bawat pagpalaot.

Dahil dito, isang komprehensibong solusyon sa pagbaha ang naging tugon ng Department of Public Works and Highways – Metro Manila 2nd District Engineering Office at pamunuan ng lungsod ng Parañaque sa pagtatapos ng proyekto.

Malaking pagbabago ang parehong nakita ng dalawang mangingisda simula nang maitayo ang revetment wall dahil natulungan nitong pataasin at patibayin ang kalsada laban sa pagguho ng lupa, at pag-apaw ng tubig.

Ayon kay District Engineer Ruby H. Canlas, ipinapakita ng proyekto ang pangako at mandato ng Departamento, na makapagbigay ng komportableng buhay para sa mga Pilipino.

RUBEN FUENTES