BUMIGAY ang flood control project sa Barangay Tapi sa bayan ng Lupi sa Camarines Sur, bagay na ikinadismaya ng alkalde rito lalo na’t hindi pa nag-iisang taon ang proyekto.
Sa kanyang post sa facebook, tinawag ni Mayor Lilian Gagay Matamorosa ang atensyon ng Department of Public Works and Highways, House of Representatives at national goverment dahil sa gumuhong proyekto.
Sa panayam ng isang local broadcast station kay DPWH 1st Engineering District Spokesperson Katrina Oropesa, sinabi nitong nakarating na sa opisina ng District Engineer ang impormasyon at bina-validate ng engineers on site.
Aniya, iinspeksyunin ang lugar at ina-assess pa ang pinsala pero dahil ito ay nasa warranty period pa, ipapasagot sa contractor ang pagsasaayos nito.
Tiningnan na rin aniya nila ang records ng mga contractor kung may ampaw na patrabaho at ito ay isasama sa blocklisted ng DPWH.
RUBEN FUENTES