HINDI pabor si Senador Panfilo Lacson at ang iba pa niyang kapwa mambabatas sa panawagan ng ilang grupo para itatag ang revolutionary government sa bansa dahil posibleng magdulot lamang ito ng kaguluhan.
“Ang aming pananaw karamihan ng senador if not all, wala nang dapat pag-usapan sa revolutionary government kasi absolutely walang justification, legal man constitutional, sa revolutionary government,” ani Lacson.
Ayon sa senador, magdudulot lamang ng pagkakawatak-watak ng mamamayan ang revolutionary government at masama rin ito para sa lagay ng ekonomiya ng bansa.
Babala pa ni Lacson, posibleng humantong pa sa civil war kapag pinilit na isulong ang revolutionary government.
“So, mabuti na lang huwag na i-discuss o pag-usapan,” ani LACSON. LIZA SORIANO
Comments are closed.