CAMP AGUINALDO– TINIYAK ni US Defense Secretary Mark Esper na suportado ng United States ang muling pagrerebisa sa napagtibay ng Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Filipinas at Amerika.
Tahasan namang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa harap ng iba pang US officials na kasama ni Esper sa kanyang entourage kabilang si US Ambassador to the Philippine Sung Kim na siya mismo ang nagsulong para rebyuhin ang MDT.
Pangunahing dahilan aniya ay ang umiinit na tensiyon sa South China Sea lalo na sa pagitan ng China at United States .
Bukod sa pagtiyak na mareresolba sa mapayapang paraan ang hidwaan sa pagitan ng mga bansang may inaangking teritoryo sa bahagi ng South China Sea ang pangambang maipit sa kinatatakutang armed conflict sa pagitan ng US at China.
Layunin din ni Lorenzana na matiyak sa lilikahin o nirerebisang MDT kung hanggang saan ang responsibilidad ng US at suportang ipagkakaloob nito sakaling masangkot ang Pilipinas sa gulo o salakayin ng ibang bansa gaya ng China na isang super power.
Magugunitang taong 1951 nang mabuo ng Filipinas at Amerika ang Mutual Defense Treaty na pinatatag pa ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Security Engagement Board na siyang nagpapalakas sa relasyon ng dalawang bansa.
Ayon naman kay Esper, na kailangang regular na silipin at amyendahan ang MDT upang makasunod ito sa mga hamong hinaharap ng Filipinas at makatugon sa anumang pangangailangan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.