NAG-ALOK na ng pabuya ang gobyerno para sa sinumang makapagtuturo para maaresto ang negosyante at sinasabing drug lord ng Visayas na si Peter Lim.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na aabot sa P500,000 ang inilabas na patong sa ulo ni Lim.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay naglabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court B65 laban kay Lim sa kinakaharap niyang kasong conspiracy to commit drug trade.
Samantala, nagbabala rin ang DOJ na mahaharap sa kasong kriminal ang sinumang mapatutunayang nagkakanlong kay Lim.
Mahaharap sa kasong obstruction of justice ang sinumang mapatutunayan na tumutulong kay Lim upang magtago sa mga awtoridad. TERESA TAVARES
Comments are closed.